Malakanyang nananawagan sa mga pinoy na nasa Afghanistan na makipag-ugnayan agad sa embahada para mailikas pabalik ng bansa
Nananawagan ang Malakanyang sa mga Pilipinong nasa Afghanistan na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas upang makauwi na dito sa bansa.
Ginawa ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang panawagan matapos matalo ng Taliban rebels ang Afghan government forces.
Umapela din si Roque sa mga mayroong kamag-anak sa Afghanistan na kumbinsihin ang mga ito na umuwi na sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang kaligtasan dahil nagsasagawa na ng force evacuation ang pamahalaan.
Ayon kay Roque, batay sa record ng Department of Foreign Affairs o DFA tinatayang nasa 170 ang Pilipino sa Afghanistan ngunit 39 pa lamang ang na-ililikas ng gobyerno habang 19 naman ang naghihintay na makauwi ng bansa.
Inihayag ni Roque wala pang desisyon ang Malakanyang kung kikialanin ng Pilipinas ang pamumuno ng Taliban sa Afghanistan.
Vic Somintac