Malakanyang, naniniwalang lehitimong police operation ang pagkakapatay sa 14 magsasaka sa Negros Oriental
Naniniwala ang Malakanyang na isang lehitimong police operations ang pagkakapatay ng mga otoridad sa 14 apat na magsasaka sa magkakahiwalay na lugar sa Negros Oriental.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong mga search warrant laban sa mga biktima na hinihinalang kasapi ng mga rebeldeng komunista.
Ayon kay Panelo kapag mayroong warrant na inisyu ng hukuman ibig sabihin mayroong batayan na may nilabag na batas ang mga subject ng search warrant.
Inihayag ni Panelo na may prosesong sinusunod ang hukuman maging ang mga otoridad na nagpapatupad ng batas.
Taliwas ito sa akusasyon ng human rights group na ang insidente ng pagkakapatay ng mga otoridad sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental ay isa umanong massacre.
Ulat ni Vic Somintac