Malakanyang naniniwalang pinag-aralan ng wage board ang 25 peso wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila
Pinanghahawakan ng Malakanyang ang desisyon ng wage board na siyang makaka-determina kung sapat ba ang inaprubahan nitong wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dumaan sa kaukulang deliberasyon at pag-aaral ng wage board ang desisyon na 25 peso wage hike National Capital Region o NCR.
Ayon kay Panelo, alam ng Tripartite wage board kung ano ang makakabuti sa panig ng manggagawa at employers.
Una nang inihayag ng Malakanyang na ipinauubaya sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR ang pagpapasiya hinggil sa usapin ng wage increase.
Sa pagataya ng Labor coalition dapat ay 335 peso ang umento ang kakailanganin ng mangagawa sa Metro Manila mula kada araw na minimum wage.
Ulat ni Vic Somintac