Malakanyang: Pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila, hindi kailangan ang rekomendasyon ng Metro Mayors
Naninindigan ang Malakanyang na hindi kailangan ang rekomendasyon ng mga Metro Manila Mayors para sa adjustment ng Alert Level 3 sa National Capital Region mula sa Alert Level 4.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque malinaw ang guidelines na ang Inter Agency Task Force ang may karapatang magdesisyon sa adjustment ng quarantine protocol at alert level system sa bansa kaugnay ng pagkontrol sa problema sa Pandemya.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos lumabas ang mga report na umaangal umano ang ilang Metro Manila Mayors na hindi sila nagrekomenda na ibaba na sa Alert Level 3 ang NCR simula October 16 hanggang October 31.
Ayon kay Roque ang desisyon ng IATF na ibaba ang Alert level system sa NCR ay ibinatay sa scientific data na nagpapatunay na nabawasan na ang attack rate ng COVID-19 at bumaba narin ang hospital bed utilization sa Metro Manila.
Inihayag ni Roque dapat ipatupad ng Metro Manila Mayors ang mga patakaran na inilalabas ng IATF dahil bago ito desisyunan ay dumadaan sa masusing pag-aaral at may pagpapatibay mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Vic Somintac