Malakanyang: Pagre-recruit ng mga Medical worker para sa mga ospital sa Metro Manila, nagpapatuloy
Patuloy na nananawagan ang Malakanyang sa mga Medical workers na mag-aplay sa mga ospital ng Gobyerno sa Metro Manila para maragdagan ang manpower dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyente na tinatamaan ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nakausap na niya si Health Undersecretary Leopoldo Vega ang pinuno ng One Hospital Command Center at maraming medical workers ang kakailanganin para sa pagdaragdag ng bed capacity ng mga Government hospital sa Metro Manila.
Ayon kay Roque inaayos na rin ng Department of Health ang proseso ng paglipat ng mga Medical workers na manggagaling sa Visayas na tutulong sa Metro Manila para matugunan ang pangangailangan ng dagdag na manpower.
Inihayag ni Roque patuloy ang pamahalaan sa pagdaragdag ng mga bed capacity sa mga ospital sa Metro Manila para ma-accomodate ang mga tinatamaan ng COVID 19 lalo na ang mga severe ang kondisyon na nangangailangan ng masusing medical attention.
Vic Somintac