Malakanyang pinabi-beripika na sa militar ang ulat ng presensya ng ilang Turkish na terorista sa Pilipinas
Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na inaalam ng intelligence agencies ng pamahalaan ang ibinunyag ni Turkish ambassador to the Philippines Esra Cankorur na nasa Pilipinas na ang ilang miyembro ng Turkish terrorist group.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella iimbestigahan ng pamahalaan ang lahat ng mga organisasyon na posibleng nagkakanlong sa mga terorista at pananagutin ang mga ito.
Sinabi ng Turkish ambassador na kabilang ang Pilipinas sa 50 bansa na mayroong koneksyon ang Fetullah Gulen Movement na itinuturing na terrorist group ng Turkey.
Noong Mayo nagkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Duterte at Turkish President Recep Tayyp Erdogan sa China nang dumalo sila sa belt and road summit ng China pero hindi na idinetalye noon ng Palasyo kung ano ang napag-usapan ng dalawang lider.
Ulat ni: Vic Somintac