Malakanyang sinagot ang Chinese foreign ministry sa pagsasabing isang basurang papel lamang ang desisyon ng Arbitral Tribunal sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea
Iginiit ng Malakanyang na pinanindigan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa inilabas na ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands noong July 2016.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ipinagdiinan ni Pangulong Duterte sa 75th Session ng United Nations General Assembly na ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands na pumapabor sa Pilipinas sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea ay bahagi na ng customary international law na hindi na puwedeng burahin.
Ayon kay Roque ang pahayag ng Pangulo sa UN General Assembly ay isang matapang na paninindigan para ipagtanggol ang soberinya at teritoryo ng Pilipinas.
Ito ang sagot ni Roque sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat magpakita ng tapang ang kasalukuyang administrasyon laban sa China matapos sabihin ng Spokesman ng Chinese Foreign Ministry na ang Arbitral Ruling na pumabor sa Pilipinas ay isang basurang papel lamang at hindi kinikilala ng Peoples Republic of China.
Nininiwala si Roque na sa ika-5 anibersaryo ng Arbitral Ruling ay ginagamit itong isyung pampulitika ng mga kritiko ng administrasyon dahil sa nalalapit na halalan.
Magugunitang nasabi din ng Pangulo na sa usapang bugoy ay maituturing na basura lamang ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas laban sa China sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil wala namang enforcement power ang naturang desisyon.
Vic Somintac