Malakanyang tiniyak na on top of the situation ang pamahalaan sa nakaambang krisis sa enerhiya sa bansa
Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng ilan sa nakaambang posibleng krisis sa enerhiya sa kabila nang halos magkakasunod na kakulangan sa supply ng tubig at ilang araw nang pagsasailalim sa red alert status ng mga planta ng kuryente sa Luzon grid.
Tiniyak ng Malakanyang na on top of the situation pa rin ang pamahalaan sa lahat nang nangyayaring kakulangan ng supply ng tubig at kuryente.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkausap na sila ng mga opisyal ng Department of Energy.
Ayon kay Panelo mayroong meeting ang mga miyebro ng Gabinete ng Pangulo sa Malakanyang at kabilang sa mga agenda dito ay ang usapin sa sektor ng enerhiya.
Ginawa ng Malakanyang ang paniniguro sa publiko kahit pa ilang araw nang isinasailalim sa yellow at red alert status ang mga planta ng kuryente sa luzon dahil sa manipis na supply ng kuryente.
Ulat ni Vic Somintac