Malakanyang tiniyak sa Amerika na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso ni Kian Lloyd delos Santos
Siniguro ng Malakanyang sa Amerika na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso ng pagkakapatay ng Caloocan police sa menor de edad na si Kian Lloyd delos Santos.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na papatawan ng kaukulang parusa ang pulis na nakapatay Kay Kian kapag lumitaw sa imbestigasyon na rubout at hindi shootout ang nangyari.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos magparating ng pakikiramay sa pamilya ni Kian si US Ambassador to Manila Sung Kim.
Maliban sa pakikiramay hiniling din ni Ambassador Sung Kim sa gobyerno ng Pilipinas na dapat mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Kian na may kaugnayan sa anti ilegal drug campaign ng Duterte administration.
Ulat ni: Vic Somintac