Malakanyang tinulungan na si dating DFA Secretary Albert del Rosario na hinarang sa Hongkong airport.
Pinakikilos na ng malakanyang ang Department of Foreign Affairs o DFA para matulungan sa anumang paraan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Kasunod ito ng pagpigil kay del Rosario ng bureau of immigration sa Hongkong airport.
Sinabi ni Justice Secretary at Officer in Charge Menardo Guevarra hihilingin niya sa DFA na alamin ang buong pangyayari at ibigay ang nararapat na tulong kay del Rosario.
Ayon kay Guevarra sa kaniyang personal na pananaw dapat ay natuto na si del Rosario ang naging karanasan sa Hongkong airport ni dating Imbudsman Conchita Carpio Morales.
Si Del Rosario ay dadalo sana sa business meeting ng kompanyang First Pacific kung saan siya tumatayong board member.
Matatandaan na sina del Rosario at Morales ay nagsampa ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y ginagawang pagtataboy ng gobyerno ng China sa mga mangingisdang pinoy sa mga karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea.
Ulat ni Vic Somintac