Malakanyang tumangging magbigay ng komento sa pagdawit kay Vice Mayor Paolo Duterte sa suhulan sa BOC

Ayaw munang magbigay ng komento ang Malakanyang sa pagkakadawit ng pangalan ni Presidential son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa umano’y suhulan sa Bureau of Customs o BOC.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella mayroon namang isinasagawang Congressional inquiry at hindi nakikialam dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abella ipinauubaya na ng Malakanyang sa bagong Customs Commissioner ang pagresolba sa problema sa BOC.

Inihayag ni Abellana  anumang akusasyon ay dapat na beripikahin ang katotohanan nito.

Niliwanag pa ni Abella maging ang kridibilidad ng nagpaparatang ay dapat ding busisiin.

Sa isinasagawang pagdinig ng Senado sa kontrobersiya sa BOC kung saan nakalusot ang 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu idinadawit ng broker na si Mark Taguba ang pangalan ni Vice Mayor Duterte sa Davao group na tumatanggap ng suhol sa BOC para malayang makalusot ang mga kontrabando sa Aduwana.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *