Malakanyang, umaasang hindi na madugo ang Oplan Tokhang ng PNP
Naniniwala ang Malakanyang na natuto na ang pulisya sa mga naging karanasan sa nakalipas na pagpapatupad ng Oplan Tokhang ngayong muli itong ipatutupad ng Philippine National Police o PNP.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinanghahawakan ng Malakanyang ang pangako ng PNP na sila ay tatalima sa rule of law at hindi na magiging madugo ang operasyon.
Sinabi pa ni Roque, walang kinalaman ang Malakanyang sa mga guidelines ng Oplan Tokhang dahil kusa itong ginawa ng oamunuan ng pambansang pulisya sa pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa war on drugs.
Ayon sa PNP, mga piling pulis lamang ang magsasagawa ng Oplan Tokhang at tuwing araw lamang gagawin ang pagkatok at pakiusap sa mga personalidad na kasama sa drugs watchlist.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===