Malakanyang umaasang maabot ang population protection laban sa COVID-19 sa NCR hanggang matapos ang ECQ sa August 20
Tiwala ang Malakanyang na mabakunahan ang 50 percent ng populasyon sa Metro Manila pagsapit ng huling araw ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa August 20 upang makamit ang population protection laban sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque nasa 230 thousand ang average na nababakunahan kada araw sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay Roque, malapit nang maabot ang 50 percent na target population sa NCR basta tuloy-tuloy lamang ang vaccination rollout.
Inihayag ni Roque nakikipag-unahan ang pamahalaan sa pagkalat ng ibat-ibang variant ng COVID-19 lalo na ang Delta variant kaya binibilisan ang pagbabakuna sa bawat mamamayan.
Naniniwala si Roque na tanging ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan para tuluyang masugpo ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Vic Somintac