Malakanyang , umalma sa SWS Survey sa mataas na Joblessness rate sa bansa

Pumalag ang Malakanyang sa resulta ng SWS survey kung saan pumalo sa 23.9 percent ang bilang ng Joblessness rate mula sa 15.7 percent noong December 2017.

Sinabi ni Presidential spokesperson secretary Harry Roque na dapat bigyang-diin na ang adult joblessness ay tumutukoy sa mga empleyadong kusang loob na iniwan ang mga dati nilang hanapbuhay.

Kabilang din dito ang mga na-retrenched at mga naghahanap pa lamang ng trabaho sa unang pagkakataon.

Kinuwestiyon din ni Roque ang timing kung kailan isinagawa ang survey na pumatak noong Marso 23 hanggang 27 na panahon ng graduation at panahong hahanap pa lang ng trabaho ang mga graduate.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *