Malakanyang umangal sa pagkuha ng Facebook sa Rappler bilang partner kontra sa Fake news
Bagamat suportado ng Malakanyang ang hakbang ng Facebook na labanan ang pagpapakalat ng fake news sa Social Media.
Kinontra naman ng Palasyo ang pagkuha ng Facebook sa Rappler bilang isa sa partner kontra sa fake news.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Loraine Badoy na ipo-protesta ng Malakanyang ang pagkuha ng Facebook sa Rappler bilang partner kontra sa fake news.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque ,mali ang pagpili ng Facebook sa Rappler kontra sa fake news.
Inihayag ni Roque na ang Rappler mismo ay nagpapakalat ng fake news.
Dahil dito nanawagan si Roque sa mga Diehard Duterte Supporters o DDS sa social media na punuin ng protesta ang Facebook para matauhan sa pagkuha ng Rappler bilang third party check fact partner kontra sa fake news.
Ulat ni Vic Somintac