Malakanyang umapela sa mga jeepney operators at drivers na huwag ituloy ang planong tigil pasada
Nakiusap ang Malakanyang sa mga jeepney operators at drivers na huwag ituloy ang bantang tigil pasada sa linggong ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para tulungan ang mga nasa sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Andanar tuloy-tuloy ang pamahagi ng gobyerno ng fuel subsidy sa mga operators ng pampublikong sasakyan at umabot na sa mahigit 180,000 ang nabiyayaan batay sa record ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB.
Batay sa ulat ikinakasa na ng mga jeepney operators at drivers ang tigil pasada ngayong linggo para iprotesta ang lingo-linggong pagtataas sa presyo ng krudo.
Vic Somintac