Malakanyang umapela sa publiko na suportahan ang pagkakatalaga kay Espenido bilang Chief of Police ng Iloilo

Nanawagan ngayon ang Malakanyang sa publiko na patuloy na suportahan ang anti illegal drug campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella dapat makiisa ang publiko sa gobyerno sa kampanya sa ilegal na droga sa pamamagitan ng police action.

Ayon kay Abella malinaw ang posisyon ni Pangulong Duterte na igagalang ng mga otoridad ang rule of law at pagrespeto sa karapatang pantao.

Binatikos ng mga kritiko ng Pangulo ang pagkakatalaga kay Police Chief Inspector Jovie Espenido bilang bagong hepe ng Iloilo City.

Naging kontrobersiyal si Espenido dahil sa pagkamatay sa police operations nina Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na pawang iniuugnay sa operasyon ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan kung saan Chief of Police si Espenido.

Ang Mayor ng Iloilo City na si Jed Mabilog ay nasa Narcolist ni Pangulong Duterte.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *