Malakanyang, umapila kay Chief Justice Sereno na huwag ituro ang Palasyo na nasa likod ng problemang kaniyang kinakaharap

Nakiusap ang Malakanyang kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na huwag paratangan ang Malakanyang na nasa likod ng problemang kanyang kinakaharap kasama na ang Impeachment case sa Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mismong ang kanyang mga kasamahang mahistrado ng Korte Suprema ang tumetestigo laban sa kanya.

Ayon kay Roque kung nagdesisyon si Chief Justice Sereno na sumailalim sa indefinite leave dapat mag-munimuni siya at ipagpauna ang kapakanan ng hudikatura bilang institusyon.

Inihayag ni Roque bagamat naka- indefinite leave ang Punong Mahistrado hindi naman maaapektuhan ang serbisyo dahil mayroon pa ring officer-in- charge na magpapatakbo sa Korte Suprema kasama ang mayorya ng mga mahistrado.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos linawin ng Korte Suprema na hindi wellness leave ang inihain ni Chief Justice Serreno kundi indefinite leave.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *