Malakanyang wala pang notice of termination na inilalabas para tuluyang kanselahin ang peace talk sa CPP NPA NDF

Wala pang inilalabas na notice of termination ang gobyerno ng Pilipinas  para promal na kanselahin ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang katatapos na State of the Nation Address o SONA na ayaw na niyang makipag-usap pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista ay isang direktiba para sa government peace panel.

Inihayag ni Abella na sumusunod ang government peace panel sa direktiba ng Pangulo bilang pangunahing policy maker ng gobyerno.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi sa kanyang SONA na kinasela na niya ang peace talk sa CPP NPA NDF dahil sa patuloy na ginagawang pag-atake ng mga komunista sa tropa ng pamahalaan sa kabila ng isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Batay sa terms of reference ng peace process kinakailangang magkaroon ng formal notice of termination ng peace talk sa Norway na  tumatayong host country at third party facilitator ng usapang pangkapayapaan  ng government panel at CPP NPA NDF panel.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *