Malakanyang, walang balak rebyuhin ang Mutual Defense Treaty at Enhance Defense Cooperation agreement ng Pilipinas at Amerika
Walang plano ang Malakanyang na magsagawa ng pagrepaso sa umiiral na Mutual Defense Treaty o MDT at Enhance Defense Cooperation Agreement o EDCA na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tanging ang Visiting Forces Agreement lamang ang pinawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi kasama ang MDT at EDCA.
Ayon kay Panelo bahala na ang Senado na magsagawa ng review sa MDT at EDCA matapos ipadala ng Malakanyang sa pamamagitan ng Department Of Foreign Affairs o DFA ang notice of termination ng VFA sa US government.
Inihayag ni Panelo na hihintayin na lamang ng Malakanyang ang resulta ng pagrepaso ng senado sa MDT at EDCA.
Ulat ni Vic Somintac