Malakanyang walang kinalaman sa umano’y troll farm para wasakin ang mga kalaban ng administrasyon sa 2022 Elections
Itinanggi ng Malakanyang na may kinalaman sa umanoy troll farm na binuo ng isang opisyal ng gobyerno na naglalayong siraan ang mga kalaban ng administrasyon sa 2022 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi patakaran ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng social media para wasakin ang mga kritiko.
Ayon kay Roque kung mayroon mang gumawa ng troll farm ito ay personal na desisyon ng isang individual at labas dito ang Malakanyang.
Sagot ito ng Palasyo sa akusasyon ni Senador Panfilo Lacson na isang Undersecretary umano ang bumuo ng troll farm sa ibat-ibang panig ng bansa para siraan ang mga makakalaban sa pulitika ng mga manok ng administrasyon.
Vic Somintac