Malakas na lindol, ramdam sa La Union
Naramdaman ng mga mamamayan sa La Union ang malakas na paglindol ngayong araw, July 27, 2022.
Bunsod nito ay naglabasan mula sa Lorma Medical Center ang mga pasyente kasama ng hospital staffs. Kasabay din ng malakas na lindol ang pagkawala ng suplay ng kuryente na naging sanhi para mahirapan sa paglabas ang mga nasa loob ng ospital.
Biglaan namang lumikas sa mas mataas na lugar ang ilan sa mga residente sa bayan ng Luna at Balaoan dahil sa napabalitang pagtaas ng tubig sa baybaying dagat ng Luna La Union. Ngunit nagsiuwi rin ang mga ito makalipas ang kalahating oras.
Kaugnay nito ay nag-public apology ang Punong Bayan na si Gary N. Pinzon ng Luna, La Union tungkol sa napabalitang tsunami.
Kaugnay ng lindol ay inalam ng mga awtoridad kung may mga nasirang ari-arian, at hinimok ang lahat na maging maingat at mapagmasid sa kapaligiran.
Ulat ni Juvy-el Noto