Malaking bahagi ng Luzon, patuloy na makararanas ng pag-ulan sanhi pa rin ng Habagat
Kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ay patuloy na humahatak ng Habagat ang bagyong Fabian na ngayon ay may international name na In-Fa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Typhoon In-Fa sa layong 895 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon malapit na sa main eastern coast ng China.
Sa 11:00 am forecast ng PAGASA moderate to heavy with at times intense rains ang iiral sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, and Bataan sa susunod na 24 oras habang ight to moderate with at times heavy rains naman ang iiral sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Calamian Islands.
Makararanas din ng pabugso-bugsong hangin sa mga coastal at upland localities sa mga nasabing lugar.
Nakataas ang yellow warning sa Zambales, Bataan at Pampanga.
Dahil dito, nagbabala ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maulap ang papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sanhi ng thunderstorms.
Samantala, nasa labas pa rin ng PAR ang Tropical Storm Nepartak na huling namataan sa layong 2,960 kilometers Northeast ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph ay pagbugso ng hanggang 80 kph.
Hindi naman ito inaasahang papasok sa bansa at wala ring direktang epekto sa alinmang bahagi ng kapuluan.
Nakataas din ang Gale warning sa Northern at Western seaboards ng Luzon kaya pinaiiwas mula ang paglalayag dahil mapanganib.