Malaking problema kapag binago ang ilang probisyon ng saligang batas
Nagbabala ang ilang dating mahistrado ng Korte Suprema na lilikha pa ng malaking problema kapag binago ang ilang probisyon ng saligang batas.
Sa pagdinig ng Senado sa Resolution of Both Houses no 6 na humihiling ng Economic Chacha, tinutulan ni dating Chief Justice Hilario Davide ang anumang amyenda dahil makokompromiso ang Nationalism at Patriotism.
Malinaw aniya sa batas na mandato ng Educational institutions na manguna sa promosiyon ng pagiging makabansa, pagmamahal sa kasaysayan at palakasin ang ethical and moral values .
Ang dahilan aniya bakit hindi lumalago ang ekonomiya palpak na pamamahala sa gobyerno.
Pangamba ni Davide kapag pinayagan ang pagpasok ng mga dayuhan para mamuhunan, baka lumala ang paglo lobby at maging fee capital na ang Kongreso.
Hindi rin pabor si Retired Justice Vicente Mendoza sa isinusulong ng Senado na Resolution of both Houses no 6 dahil tatanggalin aniya nito ang mga benepisyo sa paraan ng pag- amyenda sa saligang batas gaya ng Con Ass at Concon.
Si dating Justice Adolfo Azcuna pabor na alisin ang restriction sa Economic provisions pero hindi sa pamamagitan ng Charter change kundi sa pamamagitan ng lehislasyon o pagpapatibay ng mga batas.
Aniya kung magkakaroon man ng Charter change, Constituent assembly ang inirekomenda niyang gamiting proseso pero hindi na kailangan ang Joint session at Joint voting.
Ayon kay Senador Sonny Angara na Chairman ng sub Committee on Constittional Amendments and Revision of laws, pakikinggan nila ang lahat ng sektor.
Hindi rin aniya nila papayagan na maisingit sa kanilang deliberasyon ang anumang isyu na may kinalaman sa pulitika .
Target nilang tapusin ang deliberasyon sa Oktubre para maisama na sa plebesito at matanong ang taumbayan kung pabor ba o hindi sa Economic Chacha.
Meanne Corvera