Malaking sindikato ng droga na nasa likod ng nasabat na 17-M halaga ng ecstasy sa QC, pinaiimbestigahan na
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang matagumpay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City kamakailan na pinagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Quezon City Police District, Bureau of Customs, Port of Clark. at iba pang Law enforcement group.
Sa operasyon, nasabat ang 9,948 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng 16,911,600 piso mula sa isang delivery sa BMA Street corner Batulao Street, Barangay Tatalon.
Naaresto sa operasyon ang isang Elisha Mae llas at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inatasan na ni Eleazar ang PNP na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa background ng suspek upang matukoy kung saang grupo o sindikato ito kabilang na maaaring nagsusuplay ng mga iligal na droga sa Metro Manila.
“Inatasan ko ang kapulisan na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa background nitong nadakip na suspek upang matukoy kung saang grupo o sindikato siya kabilang at nang mahuli natin ang iba pa niyang mga kasabwat”.– Eleazar