Malalaking Kompanya, Nagsimula Bilang Micro Entrepreneurs- Sen. Villar
Hinimok ni Senator Cynthia Villar ang maliliit na negosyante o micro entrepreneurs na pag-ibayuhin ang pagsisikap at tiyaga para sa kanilang negosyo.
Ayon kay Villar, lahat ng halos ng malalaking kompanya sa ngayon ay nagsimula sa maliit na puhunan.
Aniya, dito nakikita ang bunga ng sipag at tiyaga ng ating mga kababayan.
Ito ang binigyang diin ng mambabatas sa isinagawang “Cooprenuers Product Expo” na ginanap sa Taguig City.
Dagdag pa ng Senadora, sa pamamagitan ng mga kooperatiba ay nakakamit ng mga miyembro nito ang inaasam na financial opportunities para sa kanilang pamilya.
Kapag umuunlad ang mga micro entreprenuers ay kasabay din aniya nitong umuunlad ang ekonomiya ng lungsod sa kabuuan.
Ito rin aniya ang patunay na sa tamang direksyon at inisyatiba ay maaaring makamit ang tagumpay sa pagnenegosyo.
Ayon naman kay Taguig City Mayor-Elect Lani Cayetano, patuloy nilang susuportahan ang nasabing cooprenuers Product Expo para na rin sa mga maliliit na negosyo sa lungsod.
Virnalyn Amado