Malalaking tipak ng bato ginamit na pansamantalang dike sa Rodriguez Rizal
Nilagyan ng malalaking tipak ng bato ang daluyan ng ilog sa Basecamp, Sitio Lukutang, Malaki, San Mateo, Rodriguez, Rizal para maging pansamantalang dike upang maiwasan ang lubhang pagbaha sa lugar, bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng mga bagyo.
Matatandaan na isa ang Rodriguez, Rizal sa nakaranas ng matinding pagbaha na epekto ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon, dahil nawala sa ayos ang daluyan ng ilog sa nabanggit na lugar.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kompanya na malapit sa lugar, ay inayos ng maigi at nilaliman ang daluyan ng tubig.
Laking tuwa naman ng mga residente, dahil unti-unti nang naaayos ang problema sa baha sa kanilang lugar.
Ulat ni Gladys Mingorio