Malampaya Natural Gas Facility isasailalim muli sa maintenance shutdown sa Hulyo a-15

Nakatakda na namang sumailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya Natural Gas Facility, sa Hulyo 15 hanggang 16.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, bilang paghahanda sa aalising 504 kilometer subsea pipeline na nagkokonekta sa Malampaya at onshore gas planta sa Batangas sa Agosto.

Dahil dito, pansamantalang mapuputol ang supply ng natural gas sa 250-megawatt Sta. Rita power plant ng dalawang araw kasabay ng scheduled maintenance naman ng isa sa mga unit ng planta.

Samantala, muling mag-sha-shutdown ang Malampaya sa September 23 hanggang 24 para sa test shutdown ng valves at emergency depressurization system.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *