Malawakang kilos-protesta, ikinakasa bukas, Labor Day
Ikinakasa na ng mga grupo ng manggagawa ang malakihang kilos protesta bukas, May 1, Labor day.
Ito’y para kalampagin at ipanawagan na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin nito ang kanyang ipinangako na tutuldukan ang usapin ng kontraktuwalisasyon sa bansa.
Nakatakdang magmartsa sa makasaysayang Don Chino Roces bridge sa Mendiola, Maynila ang mga grupong kilusang Mayo uno, Nagkaisa labor coalition at iba pa.
Una rito ay tinapos na ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang ginawa nilang effigy ni Pangulong Duterte gayundin ang mural na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga manggagawa sa ibang sektor.
Isang pulong balitaan naman ang isasagawa ng mga Labor groups ngayong araw para sa pagdedeklara ng National day of Protest na inaasahang dadaluhan ng mahigit 150,000 manggagawa sa buong bansa.
===============