Malawakang lockdown malabong ipatupad pagkatapos ng eleksyon
Walang indikasyon na magpapatupad ang pamahalaan ng lockdown pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9, sanhi ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, na sakali mang magpatupad ng lockdown, ito ay magiging granular lockdown lamang dahil tapos na ang pamahalaan sa widespread lockdown o malawakang lockdown.
Una rito ay nagbabala ang mga eksperto sa posibilidad na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga campaign rally na itinuturing na isang super spreader event.
Ayon sa DOH, nasa 184 na lamang ng bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, Abril 29.
Please follow and like us: