Malaysian government, nagpahayag ng pagnanais mamuhunan sa Pilipinas

 

Nagpahayag ng pagnanais ang pamahalaan ng Malaysia na makilahok sa mga proyektong pang-imprastraktura ng ating bansa.

Nakitaan ng Malaysia na may magandang opurtunidad sa Pilipinas kaya nagpa-plano silang makipagkasundo sa gobyerno ng Pilipinas para sa pagtatayo at pagsisimula ng pamumuhunan sa bansa.

Isa na rito ay ang pagtatauo ng New Manila airport, mixed-use development ng New Clark city at ang gagawing konstruksyon ng magiging tinaguriang World class stadium for the Sea games 2019 sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Malaysian Trade and Industry minister Dato Sri Mustapa Mohamed, sa kasalukuyan ay may mga ginagawa na silang arrangement para sa mutual engagements in trade and investments.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *