Maliit na rescue plane na may lulang bata at limang iba pa, bumagsak sa Philadelphia

Debris of the aircraft lies on the ground at the site of a plane crash in Philadelphia, Pennsylvania, U.S., January 31, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewsk
Isang medevac plane ang bumagsak sa Philadelphia nitong Biyernes, na may lulang isang bata at limang iba pa, ayon sa kompanya ng air ambulance na nagpapatakbo rito, at sinabing wala pa itong kumpirmasyon sa sinumang nakaligtas. .
Ayon sa Jet Rescue Air Ambulance, sakay nito ang apat na crew, isang pediatric medical patient at escort ng pasyente nang ito ay bumagsak.

Smoke rises as emergency personnel operate in the aftermath of a plane crash in Philadelphia, Pennsylvania, U.S., January 31, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewski
Batay sa pahayag ng kompanya, “At this time we cannot confirm any survivors.”
Ang pangyayari ay kasunod nang banggaan ng isang American Airlines jet at isang U.S. Army Black Hawk helicopter sa Washington, D.C., na ikinasawi ng 67 katao, na itinuturing na pinakagrabeng airplane crash sa U.S. simula noong 2009.

A police vehicle blocks the area surrounding the site of a plane crash in Philadelphia, Pennsylvania, U.S., January 31, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewski
Sinabi ng Federal Aviation Administration, na anim na tao ang sakay ng Learjet 55 na bumagsak bandang 6:30 p.m. (0030 GMT). Iniulat ng lokal na media na ito ay malapit sa Roosevelt Mall sa hilagang-silangan ng Philadelphia.
Nakita sa video na ipinalabas sa mga lokal na istasyon ng telebisyon, ang eroplano na mabilis na bumulusok pababa bago bumagsak sa lupa sa isang mataong lugar sa hilagang-silangan ng Philadelphia at nang sumabog ay lumikha ng isang napakalaking bola ng apoy.

Smoke rises as emergency personnel operate at the site of a plane crash in Philadelphia, Pennsylvania, U.S., January 31, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewski
Isang bahay at maraming sasakyan ang nasunog ayon sa ulat ng Philadelphia Inquirer. Malamig at maulan ang lagay ng panahon na may ‘low visibility’ nang mangyari ang aksidente.
Sa isang press conference na ginanap sa crash site, ay sinabi ni Philadelphia Mayor Cherelle Parker na wala pa siyang impormasyon sa bilang ng mga biktima. Aniya, “The situation is ‘all hands on deck,’ that’s where we are right now.”
Mga dalawang oras matapos mangyari ang aksidente, ang apoy ay halos naapula na, batay na rin sa TV images.

Emergency personnel work to retrieve the body of a victim from the roof a building in the aftermath of a plane crash in Philadelphia, Pennsylvania, U.S., January 31, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewski
Sinabi ng Philadelphia Office of Emergency Management sa social media, “there was a ‘major incident’ in the area” kung saan napaulat ang pagbagsak ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
Hindi naman agad na tumugon ang Philadelphia police department o ang fire department nang hingan ng komento.
Sa kaniya namang social media ay sinabi ni Pennsylvania Governor Josh Shapiro, “We are offering all Commonwealth resources.”