Maliliit na Bagay

Hi and Hello guys! Again, welcome po sa aking My Tea at magkwentuhan tayo over my cup of tea. Alam n'yo ayon sa mga eksperto ang tsaa ay daang-daang taon ng ginamit at katulong nagpapaggaling sa iba't ibang mga karamdaman. 

Ano ba ang topic ng kwentuhan natin ngayon? Ang ugat sa pagkakaroon ng disiplina ay mula sa mga maliliit na bagay. Naalala n'yo ang kanta ni Joni James? Marahil ay ilan lamang sa nababasa nito ang nakakakilala sa kanya. Siya ang kumanta ng Little Things Mean a Lot, mga maliliit na bagay pero kasinghulugan ng malalaking bagay. 

Nagulat tayo pare-pareho sa hindi inaasahang Pandemia ang Covid-19 at dito nasubok ang tao kung meron s'yang katutubong disiplina sa kanyang sarili. Sa mga disiplinado ay hindi sila nahirapang intindihin ang mga pagbabagong ipinatupad ng gobyerno. Pero, sa mga di lumaki sa disiplina ang akala nila ito ay paglapastangan sa kanilang karapatang pantao o human rights. Hindi nila alam na ang disiplina ay sadyang mahalaga, katulad sa panahong ito, katumbas ito ng buhay. Importante na may self-discipline na itinuro ng mga magulang natin mula sa ating pagkabata. Sinanay tayo unti-unti hanggang sa matutuhan nating ilagay sa kani-kaniyang dako ang bawat bagay. There is an old adage - "a place for everything and everything in it's place.", 'yong pagiging disiplinado sa maliliit na bagay ay para maging disiplinado sa mas malalaki pa sa hinaharap na buhay. 


Importante na maging organisado sa sarili- gumawa ng schedule na komportable ka kahit gaano kakumplikado bahagi ng  disiplina. Ang pagiging on-time ay palatandaan ng isang organisadong tao, pagpapakita na important sa'yo ang oras mo at pagpapahalaga sa oras ng kausap mo. Naipapakita mo din ang kasabikan mo sa kausap mo at handa ka sa kung anoman ang kahihinatnan ng inyong pag-uusap. 

Samantala, tunay na kahanga-hanga ang taong may isang salita kahit ikaw ay mahirap lamang, may palabra de honor. Gawin mong tatak ng iyong pagkatao ang pagkakaroon ng isang salita para sa karangalan mo at ng mga anak at kaapo apohan. Huwag mangako kung hindi mo kayang gawin. Kung may sinabi ka tuparin mo sa oras na sinabi mong gagawin lalu na sa mga appointment.

 Ang buhay ng tao ay isang malungkot na litanya ng hindi natapos na gawain, puro simula lang kasi ang iba.  If you start something, finish it. There lies an important key to self-discipline. Tumanggap ng pagtutuwid. Nakatutulong para mapaunlad ang self-discipline, sa pamamagitan nito ay matututuhan mo kung ano ang dapat ulitin o hindi dapat, kaya hindi dapat i-reject ito kundi buong galak ng tanggapin ang pagtutuwid ng kapwa.


Kaya, huwag babalewalain ang mga paalalang ito, maliit na bagay sa iba subalit makatutulong upang mahubog ang ating pagkatao. Huwag maging pasaway sa ipinatutupad na health protocols! Ang sabi nga ni Charles Simmons, sabi n'ya."life is made up of little things. Greatness follows if we learn to be great in little things" Bye for now hanggang sa next kwentuhan natin over My Tea.
Please follow and like us: