Malilimutin ka na ba?
Kayo ba ay nakaranas na minsan gusto mong sabihin ang isang salita pero hindi mo mabigkas, tipong parang nasa dulo ng ating dila? O kaya eh na-iimagine mo ito pero hindi mabitiwan ang tamang salita o kaya may pagkakataon o madalas nakalimutan natin kung saan nailagay ang susi ng bahay? Aaminin na ba natin tayo ay makakalimutin? Pag hindi tiyak kantiyawan yan at masasabihan tuloy tayo na sign of “ageing”. Tanders na!
Pero paano nga ba na mai-improve ang ating memory?
Alamin Natin ?
Gusto mo ba na maging tulad nina Leonardo da Vinci, Former President Ferdinand Marcos na sinasabing may photographic memory? Pero bago yan ano ba yun photographic memory?
Ito rin ang tinatawag na Eidetic Memory- may kakayahan na maalala ang image sa ilang beses lamang na pagkakataon na nakita natin ito na hindi gumagamit ng mnemonic device.
Para maimprove ang ating memory ay humingi tayo ng insights about photographic memory at pamamaraan tungkol dito mula kay Mr. Leonardo Gapol. Mastermind “Hall of Fame” sa tv game show na Battle of the Brains, ang sabi niya: Photographic memory is usually genetic. But you can develop photographic memory kung araw-araw ka magpapractice.
Let us say magkabisa ka ng new vocabulary words mga 50 words. Araw arawin mo ang pagbasa.
Ang 50 na nakabisa mo, 25 words yung balikan mo sa next day
Then 50 uli na bago kinabukasan. Its a matter of familiarization.
Ang utak kasi natin parang muscle yan. Kailangan lagi ini-exercise para gumana.
Para ma-enchance ang visual memory. Usually, you practice with playing cards. Start with one deck, maaari gumamit ng picture cards.
Nakatutulong din ang tamang posture, dapat nakatayo ng matuwid, huwag nakaslouch. Sanayin din ang memory sa pamamagitan ng pakikipag-usap, kapag nakikipagusap, maari kang gumawa ng sariling paraan, pwede na habang nagsasalita ang iyong kausap gumagawa ka na ng pelikula sa iyong isipan mula sa sinasabi ng iyong kausap.
Dagdag pa niya na aplikable pa rin ito kahit sa may edad para ma-improve ang memory recall,
-kailangan lang proper rest and sleep.
-Eat a well balanced and nutritional diet.
-Quit/Stop smoking.
-Coffee can help retaining memory.
Ang mensahe niya sa mga nais maimprove ang memory? Just practice reading any informative references everyday. You can start memorizing encyclopedia by reading 50 terms everyday. You must exercise regularly, rest and sleep is a must and eat nutritious food.
Kaya nga mga kapitbahay basa-basa rin pag may time.
And that’s it!