Malinis na tubig para sa mga taga- Davao- PBBM
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr., ang pagpapasinaya sa Davao city Bulk Water Supply project na ginanap sa Apo Agua Water Treatment Facility sa Barangay Gumalang, Davao city.
Ito ang pinakamalaki sa Pilipinas na may 300 million liters daily (mld) at 70-kilometer pipeline.
Mahigit sa isang milyong Davaoeño ang makikinabang sa dagdag na pagkukunan ng tubig ng Davao city sa pamamagitan ng Tamugan river, na pangunahing water source ng Davao District.
Tiniyak ng Pangulo na sa pamamagitan ng naturang proyekto ang de kalidad ng tubig ay nakasusunod sa philippine national standards for drinking water, ang benchmark para sa malinis at ligtas na tubig sa bansa.
Ang Water treatment facility na isang Public-Private Partnership (PPP) project sa pagitan ng apo agua infrastructura, inc. (Apo Agua), ay patatakbuhin ng isang renewable energy na magmumula sa sarili nitong run-of-river hydroelectric power plant.
Ito ay water subsidiary ng Aboitiz InfraCapital (AIC), at Davao city Water District (DCWD).
Ang itinuturing na pioneer innovation na tinatawag na ‘water-energy nexus concept’ na siyang una sa Southeast asia, ay isang proseso kung saan dadaan muna sa run-of-river hydroelectric power plant upang makalikha ng enerhiya, na gagamitin naman sa pagpapatakbo sa water treatment facility at produksiyon ng treated water.
Ang treated water ay ipamamahagi naman sa mga reservoir ng DCWD.
Ang Davao city Bulk Water Supply Project ay pinagagana na mula pa noong December 1, 2023 sa anim na mga lugar sa lungsod.