Mall managers sa Maynila inatasang ilatag ang kanilang preparasyon sa muling pagbubukas ng mga sinehan
Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga mall manager sa Maynila na iprisinta ang kanilang mga preparasyon sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Mayor Isko, dapat makasunod muna ang mga ito sa health protocols bilang pag iingat laban sa COVID- 19.
Sa pakikipagpulong ng alkalde kahapon kasama ang ilang mall managers, may ilang mall manager na ang nagsabi na magpapatupad sila ng dalawang upuang pagitan para matiyak ang physical distancing, mayroon namang isang upuan ang pagitan habang may nagsabi na dalawa lamang sa kanilang cinema muna ang bubuksan sa publiko.
Una rito, nag alok ng libreng swab test ang Manila LGU para sa mga janitors, security guards, tellers, ushers porters, ticket tellers, at snack bar attendants na nagtatrabaho sa mga sinehan sa lungsod.
Kasunod ito ng mahigpit na bilin ni Mayor Isko na bago mabuksan ang mga sinehan dapat ay maisalang muna sa swab test ang mga empleyado.
Mahigpit ring paiiralin ang “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy sa mga sinehan.
Madz Moratillo