Mall Voter Registration sa Muntinlupa, sinimulan ngayong araw
Simula kaninang ika-8 ng umaga ay nag-umpisa nang tumanggap ng mga aplikante para sa Mall Voter Registration ang COMELEC, sa SM Muntinlupa.
Dinagsa ito ng mga aplikante na nagnanais na makapagparehistro.
Sa pagpaparehistro ay kailangang magdala ng valid ID ang aplikante. Kung sakaling ang valid ID ay walang kasalukuyang address ay kailangang magpakita ng proof of billing na nakapangalan sa aplikante.
Para naman sa mga magpapabago ng pangalan o kaya ay may itutuwid sa spelling, ay kailangang magprisinta ng kopya ng Birth Certificate (PSA copy), Marriage Contract o CENOMAR.
Ang registration sa SM Muntinlupa ay bukas lamang sa mga petsang September 17, 18, 27, 28, 29 at 30, sa mga oras na ika-8 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi.
Patuloy namang ipinapaalala ng COMELEC na sundin ang health and safety protocols.
Marina Ferrer