Mall voting sa 2025 national at local elections, ilalarga ng COMELEC-NCR

Nakipag-ugnayan na ang Commission on Eelections (COMELEC) sa walong shopping malls sa National Capital Region (NCR), para sa pagpapatupad ng mall voting sa 2025 national at local elections.

Ito ang inihayag ni Atty. Jovencio Blanquit, Asst. Regional Director ng COMELEC-NCR, sa Bagong Pilipinas forum ng Public Information Agency o PIA.

Sinabi ni Atty. Balanquit, na sa pamamagitan ng mall voting ay mababawasan ang bulto ng mga botante sa mga regular na voting precint.

Inihayag ni Atty. Balanquit, na ipatutupad din ng COMELEC sa 2025 Midterm elections ang early hout voting para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), at mga buntis, kung saan ang kanilang voting precint ay madaling ma-access.

Aminado naman si Atty. Balanquit na nahihirapan ang COMELEC sa early campaigning ng mga pulitiko dahil sa desisyon ng korte suprema, na maituturing lamang na kandidato ang isang pulitiko sa sandaling magsimula na ang official campaign period kahit nakapaghain na ng certificate candidacy o COC.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *