Malusog na Pagbubuntis
Medyo may kahirapan ang magpa check-up sa sitwasyon natin ngayon pero, hindi nangangahulugan na okay na hindi tayo magpatingin o kumunsulta sa duktor o sa inyong OB Gyne.
Bakit? Kasi puwedeng tumaas ang presyon ng dugo mauwi sa pre eclampsia (hypertensive condition). Para maging healthy habang nagbubuntis, kinakailangan ang pre-natal check-ups. Ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay napakahalaga.
Importante na nagti-take ng folic acid at B complex para maagapan ang congenital malfunction tulad ng problema sa spine, at bingot. At sa susunod na mga buwan kailangan ang regular check-up, bakit? During the 5th month dito na lalabas kung may problema sa gestational diabetes o gestational hypertension.
Ito ‘yung sitwasyon na hindi naman dati mataas ang presyon ng dugo pero nung ika-5th month ay tumaas bigla ang BP, tumaas ang blood sugar. Ibig sabihin, the pregnancy has caused it.
Puwedeng pagkapanganak, after 6 weeks ay mag normalize na ulit ang BP at blood sugar.
Samantala, paalala ni Doc Hermie, huwag na huwag iinom agad ng over-the-counter medicine. Tandaan din na hindi pare-pareho ang ginagawang pag-aalaga sa isang buntis. “We tailor each treatment depende sa problema.”
Dagdag pa ni Doktora, malaki din ang pagkakaron ng healthy lifestyle sa pagbubuntis. Kailangan ang lifestyle modification, at malaki ang maitutulong iyong OB-Gyne hanggang sa makapanganak.
May pahabol si Doc ukol sa danger signals kapag nagbubuntis, at ito ay kinabibilangan ng bleeding, watery discharge, severe headache at grabeng hilo, pamamaga ng paa at kamay, paninigas ng tiyan kahit hindi pa kabuwanan.
Kapag ganito ang naramdaman at naobserbahan, huwag nang mag atubili pa, magtungo na sa iyong manggagamot.
Sana ay muli kaming nakatulong sa inyo lalo na sa pregnant women na nakakabasa ng artikulong ito.