Mananahi sa India na may kakaibang galing sa pagpipinta gamit ang kaniyang sewing machine
Si Arun Kumar Bajaj ay may lubhang kakaibang galing, kaya niyang magpinta sa pamamagitan ng isang sewing machine.
Dahil dito ay binansagan siyang “needle man.”
Technically speaking, masasabing embroidery ito at hindi painting, pero ang kaniyang mga likha ay napaka detalyado, kaya mapagkakamalan itong hyper-realistic paintings.
Bata pa ay mahusay na talagang gumuhit at magpinta si Arun at pangarap niyang maging sikat na pintor, nguni’t sanhi ng biglaang pagkamatay ng kaniyang ama noong sya ay 16-anyos pa lang, napilitan syang huminto sa pag-aaral at pamahalaan ang negosyo ng pamilya, mananahi ang kaniyang ama.
Gayunman, hindi ito naging hadlang para ituloy ang kaniyang pangarap.
Katunayan ay 23-taon nang nagbuburda si Arun, na nagsimula noong sya ay doce anyos pa lamang. at dahil likas na magaganda at kahanga-hanga ang kaniyang mga likha kaya marami na ang naghahanap at bumibili nito, sa India man o sa ibang bansa.
Ilan sa maituturing na “most impressive” work ni needle man, ay ang isang 6×4 feet painting ng kanilang Lord krishna, na inabot ng 3-taon at tinatayang 28,39,000 metro ng sinulid bago natapos, at ang isang 4×2 feet painting ng Court of Ranjit Singh, na kinapapalooban ng halos 2,000 human figures, na higit isang taon naman bago natapos ni Arun.
==============