Mandaluyong City government, magsasagawa na rin ng Community testing para sa mga frontliners at hinihinalang carriers ng Covid-19
Lumagda na sa Laboratory testing agreement ang Mandaluyong city government at Philippine Red Cross para sa mas malawak na Covid-19 testing sa lungsod.
Pangunahin sa target ng increased community testing ang mga frontliners at hinihinalang carrier ng Covid-19 sa Mandaluyong.
Una nang inalok ng Red Cross ng Covid-19 testing services nito ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong.
Nagpasa naman ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod na nag-o-otorisa kay Mayor Carmelita Abalos para pumasok sa kasunduan sa PRC para sa expanded testing.
Sa pinakahuling tala ng Health Office, umabot na sa 264 ang kumpirmadong kaso ng Covid sa Mandaluyong habang 591 ang suspect cases o pui na hindi pa na-test.
Ulat ni Moira Encina