Mandaluyong City Government nagbayad na ng 20% downpayment sa AstraZeneca para sa COVID-19 vaccines
Nagbayad na rin ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ng downpayment sa AstraZeneca para sa biniling bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Mandaluyong City PIO, nagbigay na ang city government ng 20% downpayment sa pharmaceutical company para sa 150,000 doses ng COVID vaccines.
Ang Mandaluyong City ay kabilang sa mga lumagda sa tripartite agreement sa national government at AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna.
Batay sa pinakahuling bilang, mahigit 35,000 residente na ng lungsod ang nagparehistro online para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.
Moira Encina
Please follow and like us: