Mandaluyong City Government naglaaan ng Php 200-M para sa bakuna kontra COVID-19
Target ng Mandaluyong City Government na mabakunahan ang lahat ng residente nito ng anti- COVID-19 vaccines.
Ayon kay Mayor Carmelita Abalos, naglaan na ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ng Php 200-M para sa pagbili ng bakuna kontra COVID.
Bumuo na rin ang city government ng COVID-19 cluster committee na mangangasiwa sa pagkuha ng bakuna at sa sistema ng pagbabakuna.
Pinatitiyak ng alkalde na magkaroon ng sapat na COVID vaccines para sa lahat ng Mandaleño.
Anya pipilitan ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng mamamayan sa lungsod.
Moira Encina
Please follow and like us: