Mandaluyong LGU, ininspeksyon ang cold storage facilities para sa COVID-19 vaccines
Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang ilang cold storage facilities na pag-iimbakan ng mga bakuna laban sa COVID-19 bilang preparasyon sa pagdating ng mga biniling bakuna.
Ayon sa Mandaluyong City PIO, kabilang sa mga binisita na pasilidad na paglalagyan ng anti- COVID vaccines ay ang cold chain storage na nasa NAG Daycare & Senior Citizens Center.
Sinuri rin ni Mayor Menchie Abalos ang Aspen Coldstorage Inc. at inalam ang kapasidad ng kanilang pasilidad.
Kaugnay nito, nakipag-pulong na rin ang alkalde sa Expedia Solutions Specialist Inc. para naman sa pagkuha ng ultra low temperature freezer na paglalagyan ng mga bakuna.
Una nang lumagda ang Mandaluyong City LGU ng kasunduan sa National Government at sa AstraZeneca para sa pagbili ng COVID vaccines.
Moira Encina