Mandaluyong City, sinimulan na ang pagpaparehistro sa mga residente para sa COVID-19 vaccination

Inumpisahan na ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang registration sa mga residente na nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa Mandaluyong City PIO, magbabahay-bahay ang mga kawani ng City Government sa bawat Barangay para sa pagpaparehistro.

Maaari rin na mag-preregister online Sa https://www.mandaluyong.gov.ph/vaccine/.

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pakikipagpulong sa mga Barangay para ibahagi ang mga mahahalagang impormasyon sa isasagawang pagbabakuna.

Kabilang ang Mandaluyong City LGU sa lumagda ng kasunduan sa National Government at AstraZeneca para sa pagbili ng COVID vaccines na nagkakahalaga ng P200-Million.

Moira Encina

Please follow and like us: