Mandaluyong City nagpakita ng suporta sa BBM-Sara tandem
Pinangunahan ni dating Mayor at MMDA Chairman Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang mga residente ng lungsod sa grand rally ng BBM- Sara Uniteam.
Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa tambalan nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio.
Ipinakilala ni Abalos Jr. si BBM bilang matalino, pinakamagaling, may puso at susunod na pangulo ng bansa.
Aniya noong 2016 elections si BBM ang nanalo sa pagka-bise-presidente sa Mandaluyong at maging sa NCR.
Inilatag naman ni Marcos ang kanyang iba’t-ibang platporma para sa bansa.
Present din sa grand rally ang mga senador na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam slate.
Dinumog din ang grand rally at napuno ang ilang kalsada ng mga taga-suporta ng UniTeam na nakasuot halos ng kulay pulay na damit.
Tinatayang may humigit kumulang 240,000 na rehistradong botante sa Mandaluyong.
Madelyn Moratillo