Mandaluyong City natanggap na mula sa DOH ang 300 doses ng CoronaVac mula sa China
Sisimulan na sa Sabado, March 6 ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa ilang medical frontliners sa Mandaluyong City.
Ito ay matapos matanggap na ng Mandaluyong City Medical Center ang 300 doses ng CoronaVac ng Sinovac mula sa China.
Ayon sa Mandaluyong City PIO, ang mga nasabing bakuna ay eksklusibong nakaraan sa mga healthcare personnel ng Mandaluyong City Medical Center.
Ang donasyong bakuna ay tinanggap mula sa DOH nina MCMC Director Dr. Zaldy Zarpeso, Administrative Officer Dr. Cesar Tutaan at Dr. Elizabeth Carpeso.
Moira Encina
Please follow and like us: