Mandatory Disaster Education sa Primary schools, isinusulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na gawing mandatory ang pagtuturo ng mga Disaster risk sa primary schools.
Sa harap ito ng serye ng mga paglindol sa ibat-ibang bahagi ng bansa ngayong linggo na ikinamatay na ng 16 katao.
Sa Senate Bill 1994 nais ni Angara na isama sa curriculum ang Disaster Awareness at Mitigation Disaster para maiwasan ang posibleng casualties.
Sinabi ni Angara na mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa mga disasters lalot ang pilipinas ay madalas daanan ng mga bagyo at lindol.
Layon din ng panukala na magtatag ng Department of Disaster Resilience, o direktang tanggapan ng tutugon.
“Since we live in a country where earthquakes and typhoons are very common, it is imperative that every Filipino is equipped with the basic understanding and knowledge of disaster preparedness and response.”- Sen. Angara
Palalawakin ng panukala ang umiiral na Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management act of 2010 na nag-aatas ng Integration ng Disaster Risk and Management Education sa Secondary at Tertiary level kasama na ang National Service Training Program o NSTP.
Ulat ni Meanne Corvera