Mandatory drug at Psychological test sa mga pulis isinusulong sa Senado
Oobligahin nang sumailalim sa psychiatric, psychological, drug at physical test taon taon ang mga pulis.
Ito’y kapag napagtibay ang Senate bill 2005 na inihain ni Senador Imee Marcos na humihiling na amyendahan ang Republic Act No. 6975 O “Department of the Interior and Local Government Act.
Sa kasalukuyang batas, sumasailalim lang sa ganitong proseso ang mga bagong pasok na pulis, kung mapo-promote o kung iuutos ng kanilang Supervisor.
Sa panukalang tinukoy ni Marcos ang kaso ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na pumatay sa mag-ina sa Tarlac.
Bagamat isolated case aniya ang kaso ni Nuezca sinabi ni Marcos na isang banta sa kredebilidad ng mga pulis ang isyu ng psychiatric at psychological fitness.
Meanne Corvera