Mandatory drug test ipatutupad na sa mga bilangguan sa bansa, dahil sa pamamayagpag na naman ng illegal drug trade sa NBP

Oobligahin na ang mga bilangguan sa bansa na magpatupad ng mandatory drug test dahil sa pagbabalik ng  illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ito’y kapag nakapasa ang Senate Bill No. 1496 ni Senadora Leila de Lima.

Ayon kay de Lima, nakakabahala ang pahayag ni Justice Secretary Vitaliano AguirreI I na patuloy ang pamamayagpag ng bentahan ng droga sa NBP kahit pa pinalitan na ang mga security dito.

Sa panukala, obligadong magpa-drug test ang lahat ng detainees at kanilang mga custodian sa lahat ng pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections, PNP, NBI at Armed Forces of the Philippines.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *